MANILA, Philippines - Ang darating na 5th FIBA-Asia Cup sa Wuhan, ChiÂna na nakatakda sa Hulyo 11-19 ang inaasahang maÂgiging pinakahuling laro ni naturalized player MarÂcus Douthit para sa Gilas Pilipinas.
Ito ay dahil sa pagpalit sa kanya ni Andray Blatche ng Brooklyn Nets sa kanyang posisyon sa Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup sa Spain na nakatakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 14.
Nakatakdang bumalik sa bansa ang 34-anyos na si Douthit isang linggo bago simulan ni Gilas coach Chot Reyes ang kanilang training camp sa Hulyo 1.
Inaasahang matatapos ang PBA Governors’ Cup sa Hulyo 9 na magbibigay ng sapat na panahon sa mga Gilas players na naglalaro sa kanilang mga koÂpoÂnan sa PBA tournament na makapaghanda para sa FIBA-Asia Cup.
Hindi makikita ang 6-foot-11 na si Blatche sa natuÂrang torneo sa Wuhan para dumalo sa negosasyon kaugÂÂnay sa kanyang NBA contract.
Plano niyang gamitin ang kanyang opsyon para maÂging isang free agent sa pagtatapos ng kanyang konÂtrata sa Nets sa Hunyo 30.
Ang 21 players na nasa FIBA Asia Cup pool ay sina Kevin Alas, Jimmy Alapag, Japeth Aguilar, Beau Belga, Jeff Chan, Paul Lee (Dalistan), Gary David, Ranidel de Ocampo, Jared Dillinger, Douthit, June Mar Fajardo, Larry Fonacier, Matt Ganuelas, Garvo LaÂnete, Gabe Norwood, Jake Pascual, Ronald Pascual, Marc Pingris, L. A. Tenorio, Jay Washington at Jayson Castro (William).
Sina Alas, Douthit, Ganuelas, Lanete at Ronald PasÂcual ang mga miyembro ng Philippine squad na kuÂmuha sa gold medal sa Southeast Asian Games sa Myanmar noong nakaraang taon.
Ang Pilipinas ay kasama sa Group B ng Chinese-Taipei, Jordan, Singapore at Uzbekistan.
Ang Group A ay binubuo ng China, India, Indonesia, Iran at Japan.
Walang laro ang Gilas Pilipinas sa Hulyo 11 at maÂkakalaban ang Chinese-Taipei sa Hulyo 12 para sa kaÂnilang tournament debut.
Matapos ang Chinese-Taipei ay haharapin naman ng Gilas Pilipinas ang Uzbekistan sa Hulyo 13 kasuÂnod ang Singapore sa Hulyo 14 at ang Jordan sa HulÂyo 15.
Ang Jordan ay gagabayan ni Serbian Rajko Toroman na dating gumiya sa Gilas Pilipinas.
Inihatid ni Toroman ang Jordan sa korona ng nakaÂraang West Asia Basketball Association sa Amman.