Leonard nahirang na Finals MVP

SAN ANTONIO — Ma­­­a­aring nadismaya si Ka­whi Leonard nang ma­­talo ang San Antonio Spurs sa nakaarang NBA Fi­­nals.

Noong 2013 ay gu­maganda pa lamang ang laro ng pinakabatang mi­yembro ng Spurs.

Ngayon ay kampeon na siya sa NBA.

Sa pagtatapos ng 2014 NBA Finals ay hinirang si Leonard bilang Finals MVP.

Ang tropeo ay tinanggap ni Leonard mula kay 11-time champion Bill Rus­sell.

“Everybody is just li­ving in the moment right now,” sabi ng 22-anyos na si Leonard. “Really don’t know what’s going on.”

Nang ihayag ni NBA Commissioner Adam Sil­­ver ang pangalan ni Leo­nard bilang Finals MVP ay kaagad siyang pinagka­guluhan ng kanyang mga teammates, habang humiyaw naman sa kagalakan si Spurs coach Gregg Popovich.

Dahil alam ni Popo­vich na ayaw ni Leonard na pag-usapan ang kanyang sarili.

“Right now, it’s just sur­real to me,” ani Leo­nard. “I have a great group of guys behind me.”

Naglista si Leonard ng 22 points at 10 rebounds, ang kanyang ikatlong sunod na pinakamagandang laro sa serye.

Na-foul out siya sa fourth quarter na hindi na­man masyadong napansin kumpara sa ginawa ni­yang pagbabantay kay Le­Bron James.

 

Show comments