Leonard nahirang na Finals MVP
SAN ANTONIO — MaÂÂÂaÂaring nadismaya si KaÂwhi Leonard nang maÂÂtalo ang San Antonio Spurs sa nakaarang NBA FiÂÂnals.
Noong 2013 ay guÂmaganda pa lamang ang laro ng pinakabatang miÂyembro ng Spurs.
Ngayon ay kampeon na siya sa NBA.
Sa pagtatapos ng 2014 NBA Finals ay hinirang si Leonard bilang Finals MVP.
Ang tropeo ay tinanggap ni Leonard mula kay 11-time champion Bill RusÂsell.
“Everybody is just liÂving in the moment right now,†sabi ng 22-anyos na si Leonard. “Really don’t know what’s going on.â€
Nang ihayag ni NBA Commissioner Adam SilÂÂver ang pangalan ni LeoÂnard bilang Finals MVP ay kaagad siyang pinagkaÂguluhan ng kanyang mga teammates, habang humiyaw naman sa kagalakan si Spurs coach Gregg Popovich.
Dahil alam ni PopoÂvich na ayaw ni Leonard na pag-usapan ang kanyang sarili.
“Right now, it’s just surÂreal to me,†ani LeoÂnard. “I have a great group of guys behind me.â€
Naglista si Leonard ng 22 points at 10 rebounds, ang kanyang ikatlong sunod na pinakamagandang laro sa serye.
Na-foul out siya sa fourth quarter na hindi naÂman masyadong napansin kumpara sa ginawa niÂyang pagbabantay kay LeÂBron James.
- Latest