Miami nabigo sa asam na three-peat

SAN ANTONIO -- Nagtungo si Le­Bron James sa bench sa gitna ng fourth quarter, umupo at tinakpan ng kamay ang kanyang kaliwang mata.

Tapos na ang kanyang gabi.

Nagwakas na rin ang kanyang pag­hahari sa NBA.

Ang tanging bagay na pinaglaruan ni James ay para sa NBA championship ngayong season.

Hindi niya nayakap ang Larry O’Brien Trophy.

Ang kanyang 31-point, 10-rebound effort ay hindi sapat para ipanalo ang Mia­mi Heat laban sa San Antonio Spurs sa Game 5 ng NBA Finals.

“It’s a big disappointment,” sabi ni Heat coach Erik Spoelstra. “Feeling like this is an incredibly empty feeling.”

Sa unang pagkakataon matapos no­ong Hunyo 21, 2012 ay hindi na kampeon ang Heat.

Ang kanilang four-year run tampok si­­na James, Dwyane Wade at Chris Bosh ay nagpakita sa league-best na 283 wins, apat na sunod na paglalaro ng Mia­mi sa NBA Finals para samahan ang Boston Celtics  at Los Angeles La­kers na unang nakagawa nito.

Naipanalo nila ang 71 porsiyento sa ka­nilang mga laro sa nakaraang apat na seasons.

 

Show comments