Imbes na pumasok bilang expansion team: NLEX bibili ng prangkisa sa PBA
MANILA, Philippines - Bibili ng isang prangkisa ang MPIC-NLEX sa kanilang pagpasok sa PhiÂlippine Basketball Association sa halip na bilang exÂpansion team.
Sinabi kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud na tatalakayin ng PBA Board of Governors ang naturang kahilingan ng MPIC-NLEX.
“Applicant team MPÂIC-NLEX today informed the PBA Office of the ComÂmissioner that it has decided to enter the league by acquiring an exisÂting franchise, in lieu of entering the league as an expansion team,†sabi ng PBA sa kanilang Twitter.
Hindi naman ibinunÂyag ng MPIC-NLEX kung sino ang prangkisang kanilang kinakausap.
“They noted that they are in the process of finaliÂzing the acquisition of the curÂrent member-ballclub and will update the league as to further developments within a reasonable peÂriod after the last game of the member-team in the ongoing Governors’ Cup,†wika ng PBA.
Ngunit ang prangkisa ng Alaska ang sinasabing balak bilhin ng MPIC-NLEX.
Ang MPIC-NLEX ay humablot ng anim sa kaÂbuuang pitong kampeoÂnato sa PBA D-League.
Maliban sa MPIC-NLEX, ang dalawa pang exÂpansion teams sa PBA ay ang Kia Motors, igigiya ni Manny Pacquiao bilang head coach, at ang Blackwater.
Samantala, kung tatalunin ng San Mig Coffee ang Rain or Shine sa kaÂnilang laro kagabi ay maÂsisikwat nila ang No. 2 seat sa quarterfinals at mahuhulog ang huli sa No. 3.
Sasagupain ng Mixers sa quarters ang No. 7 na Alaska Aces at makakatapat ng Elasto Painters ang No. 6 na Air21 Express.
Ang panalo naman ng Rain or Shine ang mag-uÂupo sa kanila sa No. 2 kaÂtapat ang No. 7 Air21 at lalabanan ng San Mig Coffee ang No. 5 San MiÂguel Beer.
Tatapat ang No. 3 AlasÂka sa No. 6 Ginebra.
Lalabanan naman ng No. 1 Talk ‘N Text ang No. 8 Barako Bull.
Ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ang magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage.
- Latest