MANILA, Philippines - Mahigit na dalawang milyong piso ang napanalunan ng isang karerista na tumugon sa pista noong SaÂbado sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Sa 1st set ng Winner-Take-All na kuha ng isang mapalad na mananaya ang P2,273,368.20 na nagmula sa kumbinasyong 1-7-1-4-4-6-2 mula race one hanggang seven.
Bumagsak ang benta ng WTA sa race three nang manalo ang Baby Smartie ni Jeff Bacaycay sa isang 3YO Handicap Race 1 karera na inilagay sa 1,500-metro distansya.
Huling nakitaan ng magandang takbo ang tambaÂlan noong Mayo 20 nang pumangatlo sa Santa Ana Park sa 1,300-metro pero hindi ito tumimbang sa huÂling dalawang karera noong May 24 at Hunyo 4 sa naÂsabing race track sa magkatulad na 1,500-metro.
Pero kondisyon ang Baby Smartie na pinataob ang haÂmon ng dehado ring Freedom Run.
Nasa P71.00 ang ibinigay sa win, habang ang 1-5 forecast ay nagpamahagi ng P1,188.00.
Lalo pang napahirapan ang karerista sa pangingiÂbaÂbaw ng Alessi’s Touch at Mr. Sensitive sa race five at six.
Galing sa panalo noÂong Hunyo 3 ang Alessi’s Touch sa pagdadala ni LD Balboa pero ipinalaÂgay na mahihirapan sa Class division 1C race sa 1,500-metro dahil sa ipiÂnataw na top weight na 58 kilos.
Sinalubong naman ng Mr. Sensitive ng panaÂlo ang pagtakbo sa taon sa pagÂdaÂdala ni ALG GamÂÂÂboa sa pagdomina sa class division 1B sa 1,300-metrong kaÂrera.
Ang win ng Alessi’s Touch ay may P41.00 sa win, habang nasa P40.50 ang ibinigay ng Mr. SenÂsiÂtive.
Magkakaroon ng kaÂrera ngayon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite at ang walong races ay itiÂnalaga bilang Monday SpeÂcial Race at asahan na paÂlaban ang lahat ng kaÂsaÂli dahil sa isinahog na P125,000.00 sa mananalo.