^

PM Sports

Algieri ginulantang si Provodnikov para sa korona

Pang-masa

NEW YORK -- Dalawang beses bumagsak si challenger Chris Algieri sa first round ngunit nanatiling palaban hanggang sa huli sa kabila ng saradong kanang mata.

Tinalo ni Algieri si Rus­lan Provodnikov via split decision para agawin sa Russian ang suot nitong World Bo­xing Orga­nization (WBO) light wel­­terweight belt sa Barc­lays Center sa Brooklyn.

Bukod sa pagkopo sa WBO belt ay napanatili rin ni Algieri, isang Long Island native na may masters degree sa nutrition at hangad na maging isang dok­tor.

Sa pagtatapos ng laban ay sarado na ang ka­nang mata ng 30-anyos na si Algieri, isang dating kick­boxer, at tumutulo ang dugo sa ilong.

Si referee Max DeLu­ca ay nagbigay kay Provodnikov ng iskor na 117-109, habang sina Tom Schreck at Don Trella ay pi­nanigan si Algieri sa mag­katulad nilang 114-112.

Kumonekta si Algieri ng 288 suntok kumpara sa 205 ni Provodnikov, ayon sa CompuBox punch statistics.

Nagpilit si Provodni­kov na targetin ang ka­nang mata ni Algieri, ngu­nit hin­di maabot ang mas ma­tangkad na fighter.

“This has been a surreal week,” wika ni Al­gieri, nagbabandera nga­yon ng 20-0-0 (8 KOs) re­­cord.

“I thought I was winning the fight. The only shot that hurt me was that first shot in the first round that caught him in the right eye. I could see pretty well out of the eye until round 8, but by the 12th, I was blind. But I was able to anticipate his left hook throughout the fight. I was able to figure out his rhythm. That was the key to my success.”

 

ALGIERI

BARC

BUT I

CHRIS ALGIERI

DON TRELLA

LONG ISLAND

PROVODNIKOV

SHY

TOM SCHRECK

WORLD BO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with