MANILA, Philippines - Bumangon ang Talk ‘N Text mula sa isang seven-point deficit sa huling apat na minuto para talunin ang Barangay Ginebra, 96-92, at kunin ang No. 1 spot sa quarterfinal round ng 2014 PBA Governors’ Cup kaÂgabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nagbida si balik-import Paul Harris para sa ikalawang sunod na panalo ng Tropang Texters sa kanyang 31 points, tampok dito ang 13-of-14 shooting sa free throw line, at 16 rebounds.
Nalasap naman ng Gin Kings ang kanilang pangaÂlawang dikit na kamalasan na naglaglag sa kanila sa LoÂwer Four.
Ang Top Four teams ang magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.
Makakalaban ng No. 1 Talk ‘N Text ang No. 8 BaÂrako Bull sa quarterfinals, habang posible namang maÂupo ang Ginebra sa No. 5 o 6.
Kinuha ng Gin Kings ang 57-50 abante sa 4:33 miÂnuto ng fourth quarter bago inagaw ng Tropang Texters ang 83-79 bentahe sa 3:28 minuto.
Nakatabla ang Ginebra sa 83-83 mula sa basket at daÂlawang free throws ni import Zach Mason sa huÂling 2:05 kasunod ang pananalasa nina Harris at Jayson CasÂÂtro para ilayo ang Talk ‘N Text sa 90-83 bentahe sa naÂÂtitirang 35.0 segundo.
At mula dito ay hindi na nakadikit pa ang Gin Kings, nakahugot ng 18 points kay Japeth Aguilar kaÂsuÂnod ang tig-15 nina Mason at Greg Slaughter.
Sa unang laro, tinalo ng Alaska ang Barako Bull, 90-87, para sa kanilang pangatlong dikit na ratsada.
Kumonekta si JVee Casio ng dalawang tres para ibiÂgay sa Aces ang 88-75 kalamangan sa huling minuto ng final canto bago ito napaliit ng Energy Cola sa tatlong puntos sa pagÂtatapos ng laro.
Kung tatalunin ng Rain or Shine ang San Mig Coffee ngayong alas-8 ng gabi ay maaaring makamit ng Alaska ang No. 4 seat at ang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarters.