Heat hangad pahabain ang serye
SAN ANTONIO -- Sa gabi ng Game 5 ay iipunin ni LeBron James ang kanyang Miami Heat teammates para sa ilang pananalita bago subukang pahabain ang kanilang pagiging NBA champions.
Hindi nagre-rehearse ng kanyang speech si James, ngunit alam na niya ang kanyang sasabihin sa kanyang mga kakampi.
“It would be in the range of, ‘Why not us?’†sabi ni James. “Why not us? History is broken all the time. And obviously we know we’re against the greatest of odds.â€
Laban sa pinakamahirap na pagsubok at kontra sa matinding San Antonio Spurs team.
Pipilitin ng Heat na ibitin ang Spurs sa pag-angkin sa kanilang pang-limang NBA crown sa Game 5 ng NBA Finals ngayon.
Wala pang koponang nakakabangon mula sa 1-3 pagkakabaon sa kasaysayan ng NBA Finals.
“History is made to be broken, and why not me be a part of it? That would be great,†wika ni James. “That would be a great story line, right? But we’ll see what happens. I’ve got to live in the moment, though, before we even get to that point.â€
Simula nang magsama-sama sina James, Dwyane Wade at Chris Bosh sa Miami ay hindi pa naiiwanan ang Heat sa 1-3 sa isang serye.
“We’re not so entitled or jaded that we’re above having to fight for it, and that’s what it is right now,†ani Heat coach Erik Spoelstra. “It’s competition. So we’ve got to find a way to fight and get this next game, and that’s what it’s all about.â€
Mas pinili ng Miami na magpahinga noong BiÂyernes para paghandaÂan ang kanilang laro ng San Antonio sa layuning maÂkapuwersa ng Game 6.
- Latest