SALVADOR, Brazil - Ang mga goals nina Robin van Persie at Arjen Robben ang umakay sa Netherlands sa 5-1 demolisyon sa nagdedepensang Spain sa Group B ng 2014 World Cup.
Nauna nang naglaban ang Netherlands at ang Spain sa World Cup final noong 2010 kung saan naÂkaÂlusot ang huli, 1-0.
“I certainly didn’t expect this result but I did expect us to score in the way we did,†sabi ni Dutch coach Louis van Gaal.
“Spain were always going to come at us and we catch them on the counter. My players did it perfectly. It’s far better than we ever expected.â€
Inasahan nang kakamada ang Spain, ang 2008 at 2012 European champions, dahil sa kanilang matinÂding passing style at normal service.
Ang penalty ni Xabi Alonso sa 27th minute ang nagbÂigay sa Spain ng 1-0 bentahe bago umarangkaÂda ng mga goals ang Netherlands para sa kanilang taÂÂgumpay at duplikahan ang 3-1 pananaig ng host BraÂzil kontra sa Croatia kamakalawa.