NEW YORK -- Alam ni Ruslan Provodnikov na posible niyang makatapat si Manny Pacquiao sakaling manalo sa kanyang unang title defense.
Ngunit hindi niya biÂnabalewala ang challenÂger na si Chris AlgiÂeri.
“I hope he takes this fight as seriously as I took my chances in boxing. If not, he will have slim chanÂces to win,†ani Provodnikov kay Algieri.
Nakatakdang itaya ni ProÂvodnikov (23-2-0, 16 knockouts) ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) light welterweight crown laban kay Algieri (19-0-0, 8 KOs) ngayon sa Barclays Center, Brooklyn.
Kung mananalo kay AlÂgieri ay maaaring luÂmaÂkas ang tsansang maÂpiÂli siya ni Bob Arum ng Top Rank Promotions bilang kalaban ni Pacquiao sa Nobyembre 22 sa Macau, China.
“I’m ready to fight anyÂbody,†wika ni ProÂvodÂnikov sa pamamaÂgiÂtan ng kanyang manager/interpreter na si Vadim KorÂnilov. “(Juan Manuel) Marquez didn’t want to fight me, (Manny) Pacquiao was very close to being made but at the last moment, they chose (Tim) Bradley.â€
Hanggang ngayon ay wala pang pahayag si Arum kung sino ang suÂsunod na lalabanan ni ‘PacÂman’ matapos talunin si Bradley sa kanilang rematch at bawiin ang kanyang WBO welterweight crown noong Abril.
Nakamit ni ProvodniÂkov, muling igigiya ni chief trainer Freddie Roach, ang WBO light welÂterweight belt makaÂraang pasukuin si Mike AlÂvarado noong Oktubre.