MANILA, Philippines - Bumangon ang San MiÂguel Beermen mula sa dalawang sunod na kaÂmaÂlasan para gibain ang Air21, 101-88, sa 2014 PBA Governors’ Cup kaÂgabi sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.
Pinigil ng Beermen ang hangad ng Express na maÂkamit ang ikalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.
Ang Talk ‘N Text Tropang Texters ang unang puÂmitas sa ‘twice-to-beat’ boÂnus matapos talunin ang nagdedepensang San Mig Coffee Mixers, 92-88, noong Biyernes.
Ang mga pupuwesto sa Top Four ang mabibigyan ng nasabing insentibo laban sa uupo sa No. 5, 6, 7 at 8 spots.
Naglista ang San MiÂguel ng 48-32 bentahe sa 4:30 ng second period bago nakadikit ang Air21 sa 71-75 sa pagbubukas ng fourth quarter.
Kumayod ang Beermen ng isang 15-5 arangÂkaÂda, tampok dito ang daÂlawang sunod na three-point shots nina import Reggie Williams at Chris Ross, para ibaon ang Express sa 90-75 sa 7:06 miÂnuto ng laro.
Muling nagtayo ang San Miguel Beer ng 16-point lead, 99-83, sa huÂÂling minuto ng labanan.
Tumapos si Williams na may 27 points para sa Beermen kasunod ang 20 ni June Mar Fajardo at 16 ni Mercado.
Sa unang laro, isinara ng sibak nang Meralco ang kanilang kampanya sa torneo mula sa 123-95 paÂnanaig sa talsik na ring GloÂbalport.
“We just wanted to fiÂnish on a high note,†sabi ni Bolts’ mentor Ryan GreÂgorio. “It’s been a frusÂtrating season for us but at least in the last six games we were 3 and 3 but not enough for us to make it to the next level.â€
Umiskor si Gary David ng game-high na 33 points, kasama ang anim na three-point shots, para paÂmunuan ang Meralco, haÂbang may 30 si import MaÂrio West.
Nagdagdag naman ng 19 marÂkers si Reynel HugÂnaÂtan kasunod ang 13 ni Cliff Hodge at 12 ni Jared Dillinger.
Binanderahan ni import Dior Lowhorn ang BaÂtang Pier sa kanyang 28 points, habang may 21 si Jay Washington at 10 si Alex Cabagnot.
Ito ang pang-walong suÂnod na kamalasan ng GloÂbalport. (RCadayona)
MERALCO 123 -- David 33, West 30, Hugnatan 19, Hodge13, Dillinger 12, CortÂez 6, Guevarra 6, CaÂram 2, Ballesteros 2, Wilson 0, SeÂna 0.
Globalport 95 -- Lowhorn 28, WaÂshington 21, CaÂbagnot 10, Buenafe 6, MaÂcapagal 6, Garcia 4, Ponferada 4, Acuña 4, Salvador 2, Romeo 2, Hayes 2, Lingganay 2, Yee 2, Menk 2.
Quarterscores: 34-15; 57-49; 93-77; 123-95.
SAN MIGUEL BEER 101 -- Williams 27, Fajardo 20, Mercado 16, Ross 11, Santos 10, Kramer 9, Tubid 6, Chua 2, Lutz 0, Maierhofer 0, Lassiter 0.
Air21 88 -- Sutton 26, Taulava 18, Yeo 12, Ramos 12, Cardona 6, Poligrates 6, J. Villanueva 6, Borboran 2, Atkins 0, Anthony 0, R.Villanueva 0, Camson 0, Menor 0.
Quarterscores: 31-23: 51-45; 75-68; 101-88.