MIAMI -- Narito na naÂman sila at nakalapit sa pagÂkopo sa NBA chamÂpionship.
Nakawala ito sa San AnÂtonio Spurs noong 2013, at kailaÂngang magÂkaÂroon ng isang espesyal na pangyaÂyari para pigiÂlin silang maÂgawa ito ngaÂyong taon.
At kailangan ng MiaÂmi Heat na gumawa ng piÂnakamatinding pagbabaÂlik sa NBA Finals history.
“They’re the two-time champs, they’re a great team, and there is still one more game,†sabi ni Spurs guard Tony Parker. “We have to win one more game.â€
Humakot si Kawhi LeoÂnard ng 20 points at 14 rebounds at muling diÂnomina ng Spurs ang Heat, 107-86, sa Game 4 paÂra angkinin ang mataÂyog na 3-1 bentahe sa NBA Finals.
Nagdagdag si Parker ng 19 points, habang kumolekta si Tim Duncan ng 10 points at 11 rebounds para sa Spurs.
Dalawang sunod na naÂtalo ang San Antonio sa Miami noong nakaraang NBA Finals.
Maaaring kunin ng Spurs ang kanilang pang-limang NBA championship sa panalo sa San AnÂtonio sa Game 5 sa LingÂgo at maipaghiganti ang kanilang seven-game loss sa Miami noong naÂkaÂraang taon.
May tatlo silang tsansa para gawin ito laban sa Heat, at sa ganda ng kaÂnilang inilalaro ay puwedeng isa na lamang ang kanilang kailangan.
“I’m pleased that they performed as well as they did while we’ve been in MiaÂmi, and that’s about as far as it goes,†wika ni Spurs coach Gregg Popovich. “Now we’ve got to go back home and play as well or better.â€
Kumolekta si LeBron James ng 28 points at 8 reÂbounds, subalit nagtala naman si Dwyane Wade ng 1-of-10 fieldgoals para tumapos na may 10 points.
Wala pang koponan ang nakakabangon mula sa isang 1-3 pagkakabaon sa serye sa NBA Finals.
At dalawang kabiguan ng Heat sa kanilang court sa Miami ay mahirap isiÂpin na kaya itong gawin ng two-time champions.
Iniwanan ng San Antonio ang Miami sa pagsaÂpit ng second quarter mula sa magkakasunod nilang basket.
Itinampok sa ratsada ng Spurs ang follow dunk ni Leonard na nagbigay sa kanila ng malaking 22-point lead, 55-33.
Sa naturang yugto ay tuÂmipa si James ng 10 points para ilapit ang Heat sa 13-point deficit.
Ngunit muling pinalobo ng San Antonio ang kaÂnilang kalamangan sa 81-57 sa pagtatapos ng third quarter at hindi na niÂlingon pa ang Miami.