Toscana masusubukan sa karera sa Metro Turf

MANILA, Philippines - Siyam na races ang nakahanay sa pagbabalik ng ka­rera matapos mapahinga noong Huwebes.

May carry-over na P75,787.49 din ang dagdag na pag­lalabanan sa Super Six na gagawin ngayong gabi sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Sa race two ito isasama sa isang special handicap race na inilagay sa 1,400-metro distansya.

May 10 kabayo ang magsusukatan at ang mga ito ay ang Grand Mighty, Blusher, Swerte Lang, Sea Mas­ter, Blushing Dream, Faithfully, Toscana, Guapo Po, Diana Beatrice at Lucky Dream.

Si Jeff Zarate ang didiskarte sa kabayong Toscana na magbabakasakali na makabangon matapos ang pa­ngalawang puwestong pagtatapos noong Mayo 28 sa na­sabing race track.

May mabigat na 57-kilos ang handicap weight na ka­bayo na dagdag hamon kay Zarate.

Inaasahang palaban din ang Blushing Dream na pu­mangalawa noong Hunyo 6, habang ang Faithfully ay susubok din na makaahon sa pangalawang puwes­tong pagtatapos noong Hunyo 7.

Pakay ng Red Cloud na hawak din ni Zarate ang ma­­kuha ang unang pana­lo sa buwan ng Hunyo sa pag­tak­bo sa 3YO Special Handicap Race sa 1,200-metro ka­rera.

Noong Mayo 30 hu­ling lumaban ang nasa­bing ka­bayo sa San La­zaro Leisure Park at na­lagay ito sa ika­la­wang pu­westo kasunod ng Hidden Moment.

May limang iba pang kabayo ang tatakbo at na­mu­mu­ro ring manalo ang That Is Mine na ma­kailang-ulit na nalagay sa pangalawang puwesto sa mga nakaraang takbo.

Isa pang 3YO Special Handicap Race ang ita­takbo sa race seven sa 1,400-metro distansya.

Hindi malayong bali­katan ang magaganap sa pagitan ng Wood Ridge at Angel Of Mercy matapos ang pa­nalong nakuha sa hu­ling mga takbo.

Show comments