Manny Pacquiao pang- 11 sa highest paid athlete sa mundo

MANILA, Philippines - Pumuwesto si Filipi­no world eight-division champion Manny Pacquiao bilang No. 11 sa lis­tahan ng highest-paid ath­letes, ayon sa Forbes ma­gazine.

Kumita si Pacquiao ng $48.1 milyon mula sa kanyang mga boxing pur­ses at endorsements.

Ibinase ng Forbes ang kanilang listahan sa en­dorsement income, prize mo­ney at salary payments mula noong Hun­yo 1, 2013 hanggang Hun­yo 1, 2014.

Sinabi ng Forbes na ku­mita ang 35-anyos na si Pacquiao ng $41 mil­yon mula sa kanyang dalawang laban kina Brandon Rios at Timothy Bradley, Jr. at $800,000 buhat sa mga endorsements.

“Both fights (against Rios and Bradley) were dis­appoints for the PPV (pay-per-view) buys, with the Rios fight in Macau generating 475,000 buys and the Bradley rematch netting less than 800,000,” ayon sa Forbes.

“Pacquiao still poc­keted $41 million, inclu­ding Philippine TV mo­ney, from the two bouts.”

Si Floyd “Money” May­weather, Jr. naman ang muling hinirang ng Forbes bilang highest-paid athlete sa mun­do sa ika­lawang pagkakataon.

Kumubra si Maywea­ther ng $105 milyon sa nakaraang 12 buwan mu­la sa kanyang dalawang laban kina Canelo Al­varez at Marcos Mai­da­na noong Setyembre ng 2013 at noong May ng 2014.

Ang lahat ng pera ni Mayweather ay nangga­ling sa boxing at hindi sa mga endorsements.

Noong 2012 ay bu­man­dera rin ang 37-an­yos na si Mayweather nang ku­mita ng $85 milyon.

Ayon sa Forbes, si May­weather ang tanging atleta bukod kay golfer Tiger Woods, nanguna sa 11 sa nakaraang 12 taon, na kumita ng $100 mil­yon sa loob ng isang taon.

Hinirang ng ESPN The Magazine at ng Sports Illustrated si May­wea­ther bilang highest-paid athlete noong 2012 at 2013.

Ang iba pang boxers na nasa Forbes Top 100 ay sina Wladimir Klitschko (25th, $28 milyon) at Ca­nelo Alvarez (66th, $21 milyon).

 

Show comments