MIAMI -- May natutuhang mahalagang lekÂsyon si LeBron James sa kanÂyang biyahe bilang 19-year-old rookie hanggang sa pagiging isang two-time NBA champion.
Ito ay huwag maÂkiÂkiÂpagÂ-usap sa kanyang coach haÂbang nasa isang film sesÂsion.
“Let him make his point, whether he’s right or wrong, and you live with it and move on,†wiÂka ni James.
Ito ang ipinakita ni coach Erik Spoelstra kay James at sa Miami Heat noÂong Miyerkules.
Walang nagawa ang deÂpensa ng Miami sa kaÂagahan ng Game 3 ng NBA Finals, habang tila nagÂlaro nang solo ang San Antonio Spurs.
Nagsalpak ang Spurs ng 19 sa kanilang unang 21 shots at tumipa ng fiÂnals-record na 75.8 percent sa first half patungo sa kanilang 111-92 paggiÂba sa Heat at kunin ang 2-1 bentahe sa serÂye.
Kagaya noong nakaraang taon, tinambakan din ang Miami sa Game 3 na nag-iwan sa kanila sa serÂye, 1-2.
Ngunit bumangon ang Heat para angkinin ang koÂÂrona.
Walang umangal sa pagÂkatalo ng Miami lalo na at tila hindi nagmintis ang San Antonio.
Ngunit kailangan ng Heat na ayusin ang kaÂniÂlang laro sa Game 4 sa HuÂwebes at kung hindi ay magbabalik sila sa San AnÂtonio para harapin ang kabiguan nilang makamit ang ikatlong sunod na tituÂlo.
“You’re always on edge in the postseason, but I don’t want to be concerned at this point,†wika ni James. “For us, we have to make the adjustments.â€
Noong 2013 NBA FiÂnals ay kinuha din ng Spurs ang 2-1 bentahe matapos iposte ang 113-77 taÂgumpay sa Game 3.
“We did not play a good basketball game,†wiÂka ni Spoelstra. “All of us have owned that. It doesn’t matter ultimately how many you lose by or what the game is like.â€