^

PM Sports

Heat makabawi kaya kagaya noong 2013?

Pang-masa

MIAMI -- May natutuhang mahalagang lek­syon si LeBron James sa kan­yang biyahe bilang 19-year-old rookie hanggang sa pagiging isang two-time NBA champion.

Ito ay huwag ma­ki­ki­pag­-usap sa kanyang coach ha­bang nasa isang film ses­sion.

“Let him make his point, whether he’s right or wrong, and you live with it and move on,” wi­ka ni James.

Ito ang ipinakita ni coach Erik Spoelstra kay James at sa Miami Heat no­ong Miyerkules.

Walang nagawa ang de­pensa ng Miami sa ka­agahan ng Game 3 ng NBA Finals, habang tila nag­laro nang solo ang San Antonio Spurs.

Nagsalpak ang Spurs ng 19 sa kanilang unang 21 shots at tumipa ng fi­nals-record na 75.8 percent sa first half patungo sa kanilang 111-92 paggi­ba sa Heat at kunin ang 2-1 bentahe sa ser­ye.

Kagaya noong nakaraang taon, tinambakan din ang Miami sa Game 3 na nag-iwan sa kanila sa ser­ye, 1-2.

Ngunit bumangon ang Heat para angkinin ang ko­­rona.

Walang umangal sa pag­katalo ng Miami lalo na at tila hindi nagmintis ang San Antonio.

Ngunit kailangan ng Heat na ayusin ang ka­ni­lang laro sa Game 4 sa Hu­webes at kung hindi ay magbabalik sila sa San An­tonio para harapin ang kabiguan nilang makamit ang ikatlong sunod na titu­lo.

“You’re always on edge in the postseason, but I don’t want to be concerned at this point,” wika ni James. “For us, we have to make the adjustments.”

Noong 2013 NBA Fi­nals ay kinuha din ng Spurs ang 2-1 bentahe matapos iposte ang 113-77 ta­gumpay sa Game 3.

“We did not play a good basketball game,” wi­ka ni Spoelstra. “All of us have owned that. It doesn’t matter ultimately how many you lose by or what the game is like.”

vuukle comment

ERIK SPOELSTRA

MIAMI HEAT

NGUNIT

SAN AN

SAN ANTONIO

SAN ANTONIO SPURS

SHY

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with