MANILA, Philippines - Pamumunuan ng 1st leg Triple Crown champion Kid Molave ang mga tatakbo sa ikalawang yugto ng karera sa Hunyo 22 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Ang kabayong pag-aari ni Manny Santos at dinidiskartehan ni John Alvin Guce ang natataÂnging 3-year old horse na puwedeng kilalanin bilang Triple Crown champion kung mapanalunan ang magaganap na karera at ang ikatlong leg sa Hulyo 26 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ang nomination ng kalahok ay natapos noong Martes at ang iba pang tatakbo ay ang Low Profile, Matang Tubig, Macho Machine, Tap Dance at coupled entry na Kaiserlautern at ang Kanlaon kasama ang coupled entry na Malaya.
Ang Malaya ay nakasali matapos dominahin ang 1st leg ng Philracom Hopeful Stakes para magkaroon pa rin ng dalawang entrada ang kampo ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos.
Ang Kanlaon ay sumaÂli sa first leg na itinakbo sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas at diniskartehan ni Jonathan Hernandez ngunit tumapos ang tambalan sa ikatlong puwesto.
Ang Tap Dance ang pumang-apat sa unang tagisan na pinaglabanan sa 1,600-metro habang ang iba pang kabayo na beterano ng nasabing tagisan na sasali sa seÂcond leg ay ang Low Profile at Matang Tubig.
Hindi na ipinatala ang Dixie Gold na siyang naseÂgunda sa Kid Molave sa huling tagisan.
Pihadong mapapaboran pa rin ang Kid Molave, ang 2013 Philracom Juvenile champion pero tiyak na handa ang mga katunggali para pigilan ang tangkang pangalawang titulo sa tatlong yugtong karera.
Inaabangan ang pagtutuos ng nasabing kabayo at ng Malaya na nakitaan ng magandang takbo sa mga karerang sinalihan.
May 13 puntos ang nagpalista para sumali sa 2nd leg ng Hopeful Stakes sa Hunyo 21 sa nasabing race track.
Ang mga ito ay kinabibilanganan ng Love Na Love, Great Care, Good Connection, Biseng Bise, Marinx, Castle Cat, Rob The Bouncer, Lady Leisure, Wo Wo Duck, Wild Talk, Bukod Tangi at coupled entry na Rock Shadow bukod pa sa King Bull.
Ang Love Na Love at Wild Talk ay nalagay sa ikalawa at ikatlong puwesto sa 1st leg at ipinalalagay na palaban sa kampeonato.
Isa sa sisipatin ay ang Biseng Bise na maganda ang ipinakita sa mga huÂling takbo.
May P3 milyong at P1 milyon ang kabuuang gantimpala na inilagay ng Philracom sa Triple Crown sa Hopeful Stakes at ang mananalo sa una ay mag-uuwi ng P1.8 milÂyon habang P600,000.00 ang mapapasakamay ng tatanghaling kampeon sa huli. (AT)