MANILA, Philippines - Pinirmahan na kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang batas na nagbibigay ng Filipino citizenship kay NBA player Andray Blatche para matiyak ang pagsali niya sa dalawang malalaking kompetisyon na susuungin ng Pilipinas sa taong ito.
“We confirm that the President signed Republic Act 10636 granting Filipino citizenship to Mr. Blatche,†wika ng statement galing kay Presidential spokesman Edwin Lacierda kahapon.
Ang RA 10636 ay nabuo matapos magtagumpay sina Antipolo City Representative Robbie Puno at Senator Sonny Angara na maipasa ang mga isinusog na batas sa Kongreso at Senado para gawing natura-lized Filipino ang 6’11 center na si Blatche.
Bago inilapat ng Pangulong Aquino ang kanyang lagda, si Blatche ay dumating sa bansa noong Linggo upang personal na pasalamatan ang mga Kongresista at Senador na sumuporta sa kanya at makaharap ang mga kasamahan sa Gilas at ang mga mataas na opisÂyales sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pamumuno ng pangulong si Manny V. Pangilinan.
Si Blatche ay bumalik na ng US kahapon at inaasa-hang makakasama ng pambansang koponan kapag nagsimula na ng masinsinang pagsasanay sa Hulyo sa US.
Bukod kay Blatche, si Marcus Douthit ang isa pang naturalized player na puwedeng pagpilian para sa dalawang malalaking kompetisyon sa susuungin ng bansa.
Ang 6’9†na si Douthit ang siyang tumulong sa pambansang koponan para malagay sa pangalawang puwesto sa FIBA-Asia men’s championship sa Pilipinas noong nakaraang taon. (AT)