^

PM Sports

Air21 pasok na sa quarters

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagpasok ng Express sa quarterfinal round ay ang pagpapatalsik nila sa Batang Pier.

Humugot si Jonas Villanueva ng 11 sa kanyang 15 points sa fourth quarter para tulungan ang Air21 sa 106-102 paggupo sa Glo­balport papasok sa quarterfinal round ng 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Binanderahan ni import Dominique Sutton ang Express sa kanyang 28 markers, habang humakot si 6-foot-10 Asi Taulava ng 17 points, 9 rebounds at 4 assists.

Nalasap naman ng Batang Pier ang kanilang pang-anim na sunod na kabiguan na tuluyan nang nagpatalsik sa kanila sa torneo.

“Hopefully we can get another win come Saturday,” sabi ni coach Franz Pumaren sa asam na pagpasok ng Air21 sa top four sa quarterfinals para sa ‘twice-to-beat’ incentive. “Good thing there’s still two days before we play San Miguel Beer.”

Kaagad na kinuha ng Express ang 15-0 pani­mula hanggang maagaw ng Batang Pier ang 82-78 bentahe sa 10:15 ng fourth quarter.

Ang basket ni Taulava at dalawang free throws ni Villanueva ang nagbigay sa Air21 ng 104-99 kalamangan sa huling 12.6 segundo kasunod ang three-point shot ni Alex Cabagnot para idikit ang Globalport sa 102-104 agwat sa natitirang 8.0 segundo.

Sinelyuhan ni Villa­nueva ang panalo ng Express nang ikonekta ang dalawa niyang free throws sa huling 6.9 segundo na sinundan ng mintis na tres ni Ronjay Buenafe sa panig ng Batang Pier. (RC)

Air21 106 - Sutton 28, Taulava 17, Villanueva J.15, Yeo 13, Ramos 8, Atkins 6, Borboran 5, Poligrates 4, Cardona 4, Villanueva E. 2, Burtscher 2, Camson 2, Menor 0.

Globalport 102 - Lowhorn 35, Cabagnot 19, Washington 19, Buenafe 16, Romeo 7, Macapagal 4, Menk 2, Yee 0, Lingganay 0, Hayes 0, Salvador 0, Garcia

Quarterscores: 29-20; 55-47; 78-75; 106-102.

ALEX CABAGNOT

ASI TAULAVA

BATANG PIER

DOMINIQUE SUTTON

FRANZ PUMAREN

GLOBALPORT

JONAS VILLANUEVA

PASIG CITY

PHILSPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with