MIAMI – Simula nang mabuo ang trio nina LeBron James, Dwyane Wade at Chris Bosh para sa “Big 3†era sa Miami Heat ay nagagawa nila ang lahat ng tama pagdating sa kanilang home playoff games.
Nang kumamada sila ng halos 48 percent ay may 18-0 record sila.
Nang kumonekta sila ng 10 shots mula sa 3-point range ay nagtala sila ng 12-0 marka.
Ngayong postseason ay may perpekto silang 8-0 sa kanilang homecourt.
Ngunit walang nangyaring himala sa Miami ngayon.
Sa paglampaso sa kanila ng San Antonio Spurs sa Game 3 ay lalo pang humirap ang hangarin ng Heat na makamit ang kanilang pangatlong sunod na NBA championship.
Nalamangan ng 25 points sa isang bahagi sa first half, nagsumikap ang Miami na maibaba ito sa single digit.
Ngunit hindi na sila nakadikit sa Spurs na nagresulta sa kanilang 92-111 kabiguan sa Game 3 ng NBA Finals.
Hawak ngayon ng Spurs ang 2-1 abante sa serye at posibleng tapusin ang dalawang taon na pamamayagpag ng Heat.
“What it feels like is the finals,†sabi ni Heat coach Erik Spoelstra. “And you have to deal with all the emotions there are in the finals - frustration, anger, pain, elation, all of it, and it can swing back and forth. It’s a long series. We have to be able to manage this and it starts with tomorrow, owning it. That’ll be the process we all have to go through together.â€
Umiskor sina James at Wade ng tig-22 points at hindi naman nagmintis si Bosh para sa kanyang 9 points.
Nagdagdag si Rashard Lewis ng 14 points kasunod ang 11 ni Ray Allen.
“We will get better from tonight,†ani James. “We hate the performance that we put on. But it’s 2-1. It’s not 4-1. It’s 2-1, and we have to make some adjustments, come in and learn from our mistakes as we always do after a loss.â€