RoS pasok sa q’finals

MANILA, Philippines - Sa likod ng 14-1 atake ay nakabangon ang Rain or Shine mula sa 13-point deficit sa second period patungo sa 104-85 paggiba sa Meralco para kunin ang ikatlong quarterfinals berth sa 2014 PBA Go-vernors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Elasto Painters para solohin ang ikatlong puwesto, habang nabigo ang Bolts na dumiretso sa kanilang pa-ngalawang dikit na panalo.

Ipinoste ng Rain or Shine ang pinakamalaki nilang kalamangan sa 20 puntos, 89-69, sa drive ni rookie Alex Nuyles sa ilalim ng huling 4-minuto.

Samantala, magbabanggaan ang Barangay Ginebra at San Miguel Beer ngayong alas-8 ng hapon matapos ang laro ng Air21 at Globalport sa alas-5:45 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City. (RCadayona)

Rain or Shine 104 - Reid 25, Almazan 12, Norwood 12, Belga 9, Tiu 9, Nuyles 6, Cruz 5, Arana 5, Lee 5, Uyloan 4, Chan 4, Rodriguez 4, Tang 3, Teng 1, Ibanes 0.

Meralco 85 - West 29, Hodge 17, Cortez 10, Bal-lesteros 7, David 7, Dillinger 7, Hugnatan 6, Guevarra 2, Ildefonso 0, Caram 0, Salvacion 0.

Quarterscores: 20-23; 51-46; 71-63; 104-85.

Show comments