MANILA, Philippines - Pormal nang inihayag kahapon ng Team Kia ang pagiging head coach ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao para sa 40th season ng Philippine Basketball Association (PBA).
Nangako ang 35-an-yos na si Pacquiao na gagawin ang lahat para makabuo ng isang koponan na makikipagsabayan sa mga PBA teams.
“Alam kong mala-king responsabilidad ang maging head coach ng Team Kia at kailangan kong mapatunayan na hindi lamang sa larangan ng boksing kundi maging sa larangan ng basketball na kaya ko ring magpakita ng gilas,†ani Pacquiao.
Ang Kia ng Colombian Autocar Corporation ni Palawan Gov. Jose Chavez Alvarez ang isa sa tatlong bagong expansion teams na matutunghayan sa 40th season ng PBA na magbubukas sa Oktubre 19.
Ang dalawa pa ay ang Blackwater at NLEX.
Ang 5-foot-6 na si Pacquiao ay palagiang dumadalo sa ensayo ng Team Kia.
Sinabi ni Pacquiao na patuloy pa rin silang naghahanap ng mga players para makabuo ng isang ‘competitive team’ sa PBA.
“Right now, wala pa kaming team. August pa naman ang (PBA) drafting baka sakaling makakuha kami doon,†wika ng Sarangani Congressman.
Nang tanungin siya kung kaya niyang pagsabayin ang pagiging coach, boxer at Congressman, ang tanging sagot ni Pacquiao ay ‘time management lang ‘yan.â€
Ang kanyang karanasan sa pag-eensayo sa boxing ay siya rin niyang gagawin sa Team Kia.
“Puwedeng paghaluin ‘yung ginagawang training sa boxing sa basketball, especially ‘yong plyo-metrics,†ani Pacquiao.
At kung sakali bang sumali ang kanyang kapatid na si dating Philippine champion Bobby Pacquiao sa PBA Drafting na nakatakda sa Agosto 24 ay kukunin ba niya ito para sa Team Kia?
“Hindi,†matigas na sagot ni ‘Pacman.’