Blatche nagpakilala

MANILA, Philippines - Tatapusin ni Brooklyn Nets center Andray Blatche ang pagbisita sa bansa sa pamamagitan ng panonood ng PBA Go-vernors’ Cup doubleheader sa Smart Araneta Coliseum ngayong gabi bago bumalik sa US via Korea sa alas-12:30 p.m.

Dumating si Blatche sa bansa noong Linggo ng umaga mula sa New York kasama ang kanyang high school buddy na si Bryan Extra, social media officer Selva White at East West Private partner Charles (Duke) Pryor. 

Ang kanyang biyahe ay inayos ng East West Private, Cincinnati-based wealth and investment management na may impresibong sports portfolio.  Naunang dumating si East West Private partner Chao Espaldon bago sumunod ang grupo ni Blatche.

Ang naturalization ni Blatche  bilang Pinoy na inaprubahan ng Kongreso at Senado ay naghihintay na lamang ng pirma ni Pangulo Aquino para maging ganap na itong batas.   Kapag naturalized Pinoy na si Blatche puwede na siyang maglaro para sa Philippines sa FIBA World Cup sa Spain sa Aug. 30-Sept. 14.

Mula sa airport, ang grupo ni Blatche ay nag-check-in sa Raffles Hotel sa Makati at nananghalian kasama si PLDT chairman at SBP President Manny V. Pa-ngilinan sa 14th floor ng Meralco Building sa Ortigas.  Kasama rin sa pananghalian sina Rep. Robbie Puno, Sen. Sonny Angara, Maynilad president at SBP vice chairman Ricky Vargas, Metro Pacific Tollways president Ramoncito Fernandez, Meralco senior vice president at PBA chairman Ramon Segismundo, PBA Talk ‘N’ Text alternate governor Patrick Gregorio, Gilas coach Chot Reyes at asawang si Cherry, Dr. Raffy Bejar, Atty. Paul Gueco, assistant coaches Joseph Uichico at Josh Reyes, Gilas team manager Aboy Castro, SBP executive director Sonny Barrios at mga Gilas players na sina Jimmy Alapag, Ranidel de Ocampo, Jayson Castro at Larry Fonacier.

Nag-courtesy call din si Blatche kay Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at bumisita rin sa Senate bago nagpunta ng Boracay at babalik sa Manila ngayong hapon para manood ng PBA game at uuwi na ng hatinggabi.

 

Show comments