MANILA, Philippines - Nanalasa pa rin si Dindin Santiago kahit nana-nakit ang tuhod para ibigay sa Petron Lady Blaze Spikers ang 25-22, 25-13, 26-24 panalo laban sa da-ting walang talong RC Cola-Air Force Raiders sa 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Ang 6’2†na si Santiago ay nagtala ng 23 puntos at nilakipan niya ito ng 19 kills para pangunahan ang matinding pag-atake upang lumawig ang winning streak sa 3-0 sa ligang inorganisa ng Sports Core at handog ng PLDT Home DSL bukod sa suporta ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.
“Alam namin na si Dindin ang babantayan nila kaya gumawa agad kami ng ibang variations,†wika ni Petron coach George Pascua.
Si Maica Morada ang nakatulong ni Santiago sa pagbutas sa depensa ng Raiders sa kanyang 8 kills habang si Sandra De Los Santos ay may 11 puntos.
Ito ang unang pagka-talo ng RC Cola-Air Force matapos ang tatlong sunod na panalo at nawala ang wisyo ng kanilang opensa dahil sa tangkang pagpigil kay Santiago na sa unang dalawang laro ay kumawala ng 37 at 31 puntos.
“Nananakit ang mga tuhod niya,†wika ni Pascua sa dahilan kung bakit hindi ganoong dominante si Santiago sa larong ito.
Ang mga dating inaasahan na sina Judy Ann Caballejo, Joy Cases at Iari Yongco ay nalimitahan sa single digits upang iwa-nan sila ng Petron sa attack points, 42-21.
Ang mahusay na libero ng Petron na si Jennylyn Reyes ay mayroong 13 digs habang ang setter na si Mary Grace Masangkay ay may 25 excellent sets para sa nanalong koponan.