^

PM Sports

3-sunod sa RoS

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinoste ng Rain or Shine ang kanilang pa-ngatlong sunod na panalo matapos talunin ang Barangay Ginnebra, 117-108, para makasalo sa ikatlong puwesto sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Matapos ang basket ni Greg Slaughter para sa 59-53 abante ng Ginebra sa third period ay kumamada ang Rain or Shine para ilista ang 101-86 kalamangan sa 6:30 ng fourth quarter.

Pinalobo ito ng Elasto Painters sa 17 puntos, 103-86, mula sa basket ni Jervy Cruz bago nakadikit ang Gin Kings sa 102-108 sa huling 2:10 minuto ng laro.

Tumapos si import Arizona Reid na may 31 points kasunod ang 24 ni Paul Lee, 18 ni Jeff Chan at 12 ni Beau Belga para sa Rain or Shine, nangga-ling sa 51-point win kontra sa Alaska.

Pinamunuan naman ni import Zach Mason ang Ginebra sa kanyang 25 markers, habang may 20 si Slaughter.

Sa unang laro, sumandal ang Barako Bull sa bagong import na si Allen Durham para talunin ang Globalport, 122-98 at buhayin ang kanilang tsansa sa quarterfinals.

Humakot si Durham, pinalitan si Eric Wise, ng triple-double sa kanyang 32 points, 24 rebounds at 10 assists para sa panalo ng Energy Cola kasabay ng pagpapalasap sa Batang Pier ng pang-limang sunod na kamalasan nito.

Samantala, tatargetin ng San Mig Coffee ang ikalawang quarterfinals berth sa pagsagupa sa Air21 ngayong alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

ALLEN DURHAM

ALONTE SPORTS ARENA

ARIZONA REID

BARAKO BULL

BARANGAY GINNEBRA

BATANG PIER

BEAU BELGA

ELASTO PAINTERS

ENERGY COLA

ERIC WISE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with