SAN ANTONIO – Tulad ng inaasahan, ang unang tanong kay LeBron James pagdating niya sa San Antonio Spurs practice facility nitong Sabado ay tungkol sa kalagayan ng kanyang kalusugan.
‘“Feeling really good,’’ sagot ni James.
Gustung-gusto ng Mia-mi Heat ang sagot na ito.
Bumalik si James sa pagpa-practice kasama ang Heat nitong Sabado, dalawang araw matapos siyang mapuwersang iwan ang Game 1 ng NBA Finals dahil sa pulikat.
Nasa line-up siya para sa Game 2 laban sa Spurs nitong Linggo kung saan inaasahang magiging malamig na ang temperatura sa AT&T Center di tulad noong series opener.
“I’m doing well, doing a lot better,’’ sabi ni James bago mag-workout. “The soreness is starting to get out. I’m feeling better than I did yesterday and with ano-ther day, I should feel much better tomorrow.’’
Hindi na magiging isyu kay James ang mainit na venue dahil pagha-handaan nila ito sa pamamagitan ng cardio work out na biking at running bukod pa sa treatment na bahagi ng kanyang reco-very regimen at siyempre maraming fluids sa kanyang sistema.
“He’s feeling better, moving around,’’ sabi ni Heat coach Erik Spoels-tra. “Yesterday was all about rest and hydration and building his body back up. Thankfully we had that extra day.’’