Registration na para sa PBAPC 2014 Sportswriting Contest
MANILA, Philippines - Mabibigyan ng pagkakataon ang mga college students na masubukan ang kanilang career sa sportswriting sa pagdaraos ng PBA Press Corps ng ‘2014 Willie Caballes PBA Sportswriting Contest’ sa Hunyo 15-16, ang huling dalawang play dates ng elimination round ng PLDT Home Telpad Governors’ Cup.
Iniimbitahan ng PBA Press Corps, pinangungunahan ng presidente nitong si Barry Pascua ng Bandera, ang lahat ng college students at campus journalists na lumahok sa naturang two-day event na suportado ng Office of Senator Sonny Angara, sports agent Charlie Dy at ng PBA Commissioner’s Office.
Ang mga partuisipante ay susubukan sa pamamagitan ng actual coverage ng isang PBA live game.
Papayagan silang manood ng scheduled game at dumalo sa post-game interview.
Ang ikalawang bahagi ng kanilang pagsubok ay ang abilitidad nilang makapasa sa deadline writing kung saan uutusan silang sumulat ng istorya base sa actual coverage sa limitadong oras lamang.
Matapos ang two-day competition, pipili ang PBA Press Corps panel of judges ng top three winners na maaaring mabigyan ng tsansang makapagtrabaho sa major print publications o online media sa hinaharap.
Ang mananalo ay tatanggap ng P7,000, habang ang papangalawa ay bibigyan ng P5,000 kasunod ang P3,000 para sa pupuwesto sa ikatlo.
Ang lahat ng top three winners ay bibigyan din ng gift certificates mula sa PBA. Pararangalan sila sa annual PBA Press Corps Awards Night. Ang pagpaparehistro sa “2014 Willie Caballes PBA Sportswriting Contestâ€ay kasalukuyang nagaganap.
Para sa mga interesado ay maaaring tumawag kay Hazel Ancheta, ang PR/Liason Officer ng Philippine Basketball Association, sa 470-2768 to 70 loc. 110.
Tatanggapin ng PBA Press Corps ang unang 40 registrants at ang deadline para sa pagpapatala ay hanggang Hunyo 11.
- Latest