SBP ‘di mamadaliin si PNoy na pirmahan ang papel ni Blatche
MANILA, Philippines - Hindi magmamadali ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na hingiin ang pirma ni Pangulong Aquino para makapasok si Andray Blatche sa Gilas Pilipinas lineup.
Sinabi ni Sonny Barrios, executive director ng SBP kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate na may sapat silang panahon para ayusin ang papeles ni Blatche.
Ang 6-foot-11 na player ng Brooklyn Nets sa NBA ay kinuha ng Gilas Pilipinas para palakasin ang line-up na isasabak sa FIBA World Cup at Asian Games.
Ang FIBA World Cup ay sa Aug. 30-Sept. 14 sa Spain habang ang Asian Games ay sa Sept. 19- Oct. 4 sa Incheon, South Korea.
Ito ang unang pagkakataon sa 36 years na nag-qualify ang Pinas sa World Cup.
Sinabi ni Barrios na hindi kailangang madaliin si PNoy na pirmahan ang papel ni Blatche.++
“You must understand that the President is a busy person. Let’s not get ahead of him,’’ ani Barrios sa Forum na sponsored din ng Pagcor, Accel at Shakey’s. “The President is aware of the urgency. We’re optimistic that he will act on it sooner or later, so let’s not rush him. We’re always in touch with his office.â€
Ang naturalization ni Blatche ay ipinadala na sa Office of the President para pirmahan. Ang deadline ng submission ng Asiad lineup ay sa Aug. 15.
Sa initiative ni Antipolo Representative Robbie Puno, inaprubahan ng Lower House ang natura-lization ng 6-foot-11 na si Blatche at noong nakaraang linggo, ipinasa rin ito ng Senate sa third and final reading g0g na nagbigay kay Blatche ng Filipino citizenship. Ang Senate bill ay akda ni Senator Sonny Angara.
Pirma na lang ni PNoy ang kulang.
- Latest