Noah, George nanguna sa all defensive team

MANILA, Philippines - Tumanggap sina Chicago center Joakim Noah at Indiana forward Paul George ng pinakamaraming boto para sa NBA all-defensive team.

Halos dalawang buwan matapos ang kanyang landslide victory sa botohan para sa NBA Defensive Player of the Year, si Noah ang tanging player na nakatanggap ng 100 first-team votes at nakaipon ng 200 points para sa koponan.

Nakakuha si Noah ng 105 sa 123 possible votes, habang may 65 votes naman si George.

Ang iba pang nasa first team ay sina Clippers guard Chris Paul, Oklahoma City forward Serge Ibaka at Golden State swingman Andre Iguodala.

Ito ang ikalawang sunod na taon na napili si Noah sa first team. Sina four-time league MVP LeBron James at defensive player of the year runner-up Roy Hibbert ay kapwa nasa second team.

Show comments