MANILA, Philippines - Tatlong stakes races na handog ng Philippine Ra-cing Commission (Philracom) ang magpapasigla sa karera sa buwan ng Hunyo.
Ang 3rd Leg ng Imported/Local Challenge na gagawin sa Linggo sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas ay bukas sa mga kabayong edad tatlong taon gulang pataas.
Ang final declaration ay ginawa kahapon at ang mga opisyal na kalahok ay magkakasukatan dahil sa mahabang 1,800-metro inilagay ang karera.
Pero ang tampok na karera ng Philracom ay magaganap sa Hunyo 21 at 22 sa paglarga ng Hopeful Stakes race at 2nd leg ng Triple Crown sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Sa 1,800-metro ang distansya ng karera at sa Hunyo 21 gagawin ang Hopeful habang kinabukasan ilalarga ang Triple Crown.
Pakay ng 2013 Philracom Juvenile champion na Kid Molave na mna muling mamayani sa Triple Crown para sa kanyang ikalawang kampeonato sa tatlong yugtong karera.
Matatandaan na dinomina ng kabayong dinis-kartehan ni John Alvin Guce ang 1st leg na pinag-labanan sa Metro Turf sa mas maigsing 1,600-metro distansya.
Ang nominasyon ng mga tatakbo ay gagawin sa Hunyo 10 habang ang deklarasyon ay sa Hunyo 16.
May P3 milyon ang premyo sa Triple Crown at ang mananalo ay magbibitbit ng P1.8 milyong premyo.
Ang hahalili sa kaba-yong Malaya ang tutukuyin sa Hopeful Stakes na magkakaroon ng P1 milyong gantimpala at P600,000.00 ang mapupunta sa winning connections.