MACAU – Bago pa man lisanin ng dala-wang fighters ang boxing ring dito sa Cotai Arena noong Sabado ng gabi ay umaasa na ang mga fans ng rematch.
Ang pagkakamay nina Filipino Nonito Donaire Jr. at South African Simpiwe Vetyeka ang posibleng sumelyo ng kanilang ikalawang paghaharap.
Sinabi ni promoter Bob Arum na posibleng maitakda ito sa Nobyembre sa oras na gumaling na ang malalim na sugat ni Donaire sa kanyang kaliwang mata.
“We can do it again,†sabi ni Donaire, ang bagong WBA featherweight champion sa post-fight press conference.
“We need to do this all over. We can do it here,†dagdag pa ni Donaire, karga ang natutulog niyang 10-buwang anak na lalaki na si Jarel.
Nagtungo si Donaire sa press conference suot ang pulang track suit, isang cap na may Philippine colors at sunglasses para takpan ang kanyang sugat sa mata.
Kinuha ni Donaire ang technical unanimous decision victory matapos itigil ng referee ang laban sa fifth round dahil sa accidental headbutt na nangyari sa pagtatapos ng first round.
Umagos ang dugo sa mga sumunod na rounds na nakaapekto sa pani-ngin ni Donaire.
Ngunit patuloy siyang lumaban at pinabagsak si Vetyeka sa gitna ng fourth round mula sa kanyang right-left combination.
Sa break ay tinanong ng referee si Donaire kung gusto pa niyang ipagpatuloy ang laban.
At sumagot si Donaire na hindi na.
Sumenyas ang referee para sa pagsisimula ng fifth round.
At matapos ang ilang segundo sa pagtunog ng bell ay itinigil niya ang laban.
Sa fight rules, ang laban na inihinto ng referee ay ibabase sa scorecards.
Kung pumayag si Donaire na ipatigil ang laban sa loob ng four rounds, ito ay mauuwi sa technical draw.
Ang kanyang pagpapatumba kay Vetyeka ang siyang nagpanalo kay Donaire.
Sa official score sheet ay angat si Donaire sa tatlong scorecards, 49-46.
Nang ihayag ng ring announcer na si Donaire ang bagong WBA featherweight champion ay naghiyawan ang mga Pinoy fans.