Sterling ipaglalaban ang karapatan

LOS ANGELES -- Hin­di maipaglalaban ni Do­nald Sterling ang pagmamay-ari niya sa Los Angeles Clippers sa harap ng mga NBA owners sa su­sunod na linggo.

Ang tanging tsansa na lamang niya ay dalhin ang usapin sa korte.

Maaari niyang ibulsa ang $1 bilyon, ang bahagi niya sa record-breaking sale ng Clippers na ipina­su­suko sa kanya ng NBA.

Ngunit sinabi ng kanyang mga abogado na ipag­lalaban ni Sterling ang kanyang karapatan sa koponang binili niya sa halagang $12 milyon no­ong 1981.

Ang kanyang dating asa­wang si Shelly Sterling ang  nakipagkasundo pa­ra sa pagbebenta sa Clip­pers sa halagang $2 bilyon sa dating Microsoft CEO na si Steve Ballmer.

Si Shelly Sterling ang na­mahala sa koponan nang madetermina ng da­lawang nuerologists na ang 80-anyos na si Do­nald Sterling ay may de­men­tia.

Noong Biyernes ay ki­nansela ng NBA ang ka­nilang pagdinig para sa pag­papatalsik kay Sterling.

Sa halip ay pagbobotohan ng mga NBA team ow­ners kung papayagan ang pagbebenta ng Clippers kay Ballmer.

Nagsampa ang grupo ni Sterling ng isang fede­ral lawsuit laban sa NBA at kay Commissioner Adam Silver na nagkakaha­laga ng $1 bilyon.

“The assertion that Do­nald Sterling lacks mental capacity is absurd,’’ sabi ni attorney Bobby Samini.

Hindi na nagbigay si Sa­mini ng detalye kaugnay sa kon­disyon ni Do­nald Sterling, tinuligsa sa kanyang racist remarks.

 

Show comments