^

PM Sports

Sinibak ang Indiana sa East: Miami pasok sa NBA Finals

Pang-masa

MIAMI -- Sa kabuuan ng regular season, hinamon ng Indiana Pacers ang pagiging superyor ng Miami Heat sa Eastern Con­ference.

At dinala ito ng Pacers sa playoffs.

Sinagot naman ito ng Heat mula sa isang dominanteng panalo.

Umiskor sina LeBron James at Chris Bosh ng tig-25 points at pinatalsik ng Miami ang Indiana sa ikatlong sunod na taon sa pamamagitan ng 117-92 panalo sa Game 6 ng kanilang East championship series.

“I’m blessed. Very blessed. Very humbled,’’ sa­bi ni James. “And we won’t take this opportunity for granted. It’s an un­believable franchise, it’s an unbelievable group. And we know we still have work to do, but we won’t take this for gran­ted. We’re going to four straight Finals and we will never take this for gran­ted.’’

Nagdagdag naman si­na Dwyane Wade at Ra­shard Lewis ng tig-13 points para sa Heat, naka­pasok sa kanilang pangat­long sunod na NBA Finals appearance.

Itinala ng Miami ang isang franchise record sa kanilang ika-11 sunod na home postseason win.

Mula sa 2-9 pagkaka­iwan sa Pacers sa first pe­­riod ay kumamada ang Heat kung saan sila naka­pagtayo ng 37-point lead.

Ang layup ni James sa 3:39 minuto sa third period ang nagbigay sa Miami ng 86-49 kalamangan.

Binanderahan ni Paul George ang Pacers sa kanyang 29 points kasunod ang 16 ni David West.

BINANDERAHAN

CHRIS BOSH

DAVID WEST

DWYANE WADE

EASTERN CON

INDIANA PACERS

MIAMI HEAT

PAUL GEORGE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with