^

PM Sports

Air21 wagi sa Alaska

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumangon ang Air21 mula sa isang 11-point deficit sa first period at nalampasan ang ratsada ni JVee Casio sa huling apat na minuto ng fourth quarter para talunin ang Alaska, 91-88, sa 2014 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Iniskor lahat ni Mac Cardona ang kanyang 14 points sa second half, kasama dito ang siyam sa final canto, para itabla ang Express sa San Miguel Beermen sa ikalawang puwesto.

“It’s a nice win for us. We won three games already but this one is so fulfilling in spite of us playing terrible. We were able to survive it,” wika ni coach Franz Pumaren.

Kumamada si import Dominique Sutton ng 22 points, tampok dito ang anim na slam dunks, kasunod ang 15 markers at 15 boards ni Asi Taulava para sa Air21.

Nabigo naman ang Aces na makamit ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa ilalim ni rookie coach Alex Compton.

Huling napasakamay ng Aces ang unahan sa 86-82 mula sa basket ni Cyrus Baguio sa 2:37 minuto kasunod ang dalawang free throws ni Aldrech Ramos at tres ni Cardona na nagbigay sa Express ng 87-86 kalamangan sa huling 1:23 minuto.

Ang turnover ni Casio ang nagresulta sa pilipit na tirada ni Cardona na naglayo sa Air21 sa 89-86 sa natitirang 52.8 segundo.

Samantala, itataya ng SMBeermen ang kanilang three-game winning streak sa pagbangga Talk ‘N Text ngayong alas-5:15 ng hapon matapos ang laro ng Barako Bull at Rain or Shine sa alas-2:45 p.m. (RC)
 

AIR21 91 - Sutton 22, Taulava 15, Cardona 14, Borboran 11, Yeo 10, Ramos 6, Atkins 6, Villanueva 3, Poligrates 2, Camson 2, Villanueva E. 0, Jaime 0, Burtscher 0.

Alaska 88 - Casio 18, Walker 13, Espinas 12, Baguio 12, Jazul 8, Abueva 7, Thoss 6, Belasco 5, Hontiveros 5, Manuel 2, Dela Cruz 0.

Quarterscores: 19-29, 35-38, 67-64, 91-88.

ALDRECH RAMOS

ALEX COMPTON

ASI TAULAVA

BARAKO BULL

CASIO

CYRUS BAGUIO

DELA CRUZ

DOMINIQUE SUTTON

FRANZ PUMAREN

MAC CARDONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with