Shelly Sterling naghahanap na ng buyer ng LA Clippers
LOS ANGELES -- Nirerebisa ni Shelly Sterling ang bids ng limang grupo na interesadong bilhin ang Los Angeles Clippers, pagbubunyag ng isang source sa The Associated Press.
Kung mapaplantsa ang kasunduan para sa pagbili ng grupo sa Clippers ay hindi na magpupulong ang mga team owners sa New York para pagbotohan ang pagtatanggal kay Donald Sterling bilang owner.
Hindi pinangalanan ng source ang nasabing interested buyers, ngunit inilarawan ito bilang mga mayayaman na may ma-laking pondo.
Posibleng ang bentahan sa Clippers ay uma-bot sa $1.5 hanggang $2 bilyon.
Idinagdag pa nitong nagpulong ang mga attorneys at bankers ni Shelly Sterling at iba pang sangkot sa proseso sa isang kuwarto para ta-lakayin ang bids.
Sinabi naman ni Bobby Samini, ang attorney ni Donald Sterling, na walang mangyayaring bentahan kapag hindi kasama sa usapan si Do-nald Sterling.
“Mr. Sterling is an owner of the team, and there will be no sale of the team without his involvement,’’ wika ni Samini.
- Latest