^

PM Sports

My Big Osh nakatikim ng panalo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatikim uli ng panalo ang My Big Osh nang makapanggulat ito sa special class division race noong Martes sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Si Pat Dilema ang siyang sumakay sa kabayong binigyan ng 57-kilo handicap
weight at nalagay sa bugaw sa anim na tumakbo sa alisan.

Pero nagawang pag-initin ni Dilema ang sakay na kabayo para makasingit ng
panalo na ikinatuwa rin ng mga dehadista na tumangkilik sa unang gabi ng
pista sa linggong ito.

Ang Power Factor ni Jeff Zarate ang siyang naunang lumayo at nagtala pa ng
halos limang dipang agwat sa naghahabol na My Keys, Posse Left at
Charismatic.

Sa pagpasok ng huling 400-metro sa 1,400-metro karera ay nagsimula nang
bumilis ang My Big Osh habang patuloy na nagsusukatan sa unahan ang mga
nangunang kabayo.

Sa balya ipinuwesto ni Dilema ang kabayo at sa huling 100-metro ay nakuha
na ang bandera sa karera.

Sapat ang dating ng My Big Osh para maisan­tabi ang pagremate rin ng
Charismatic ni JB Guce na natalo ng kalahating kaba­yong pagitan. Ang Posse
Left ni AR Villegas ang pumangatlo bago tumawid ang Power Factor na nanalo
noong Mayo 9 sa San Laza­ro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa unang buwan ng taon pa huling nanalo ang My Big Osh para makapaghatid
ang di inaasahang panalo ng dibidendong P148.50 sa win habang ang 1-3
forecast ay pumalo sa P355.00 dibidendo.

Nakuha naman ng Basic Instinct ang ikalawang panalo sa buwan na ito sa ikatlong
race track sa bansa nang dominahin ang special handicap race na inilagay sa
isang milya ang distansya.

Naging follow-the-leader ang nangyari sa karera dahil nauna agad ang Basic
Instinct habang nakasunod ang Hot And Spicy.

Sinikap ng hinete ng Hot And Spicy  ni Fernando Raquel Jr. na higitan ang
lakas ng nasa unahang kabayo pero hindi binitiwan ni Dominador Borbe Jr.
ang liderato tungo sa banderang-tapos na panalo ng Basic Instinct.

Umabot ang win ng P9.00 habang ang 3-2 forecast ay nagpamahagi pa ng P35.50.

Mga liyamadong kabayo ang mga nangiba­baw sa gabing ito at ang
pinakaliyamadong kabayo na nagwagi ay ang Urgent sa class division 1A na
pinaglabanan sa 1,400-metro.

Kontrolado rin ng Urgent na ­diniskartehan ni LT Cuardra Jr. ang 10-kabayong
ka­rera dahil mula sa simula ay ito na ang nanguna sa karera.

Sinikap ng Mo Neck at Got To Know na agawin ang liderato pero may lakas
pang natitira sa Urgent sa rekta para iwanan ang mga kalaban.

Ikalawang sunod na panalo ito ng Urgent sa nasabing race track at
nagpamahagi ito ng P5.00 sa win habang P16.50 ang ibinigay sa 2-8 forecast.(AT)

vuukle comment

ANG POSSE

ANG POWER FACTOR

BASIC INSTINCT

CUARDRA JR.

DILEMA

DOMINADOR BORBE JR.

FERNANDO RAQUEL JR.

HOT AND SPICY

MY BIG OSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with