Sterling tutol sa gustong mangyari ng NBA
NEW YORK – Sumagot si Los Angeles Clippers owner Donald Sterling sa tangka ng NBA na patalsikin siya sa liga sa pagsasabi na walang basehan para tanggalan siya ng team dahil lamang sa kanyang racist statements na illegal na ni-record habang nag-aaway sila ng kanyang lover kung saan naguguluhan siya ng mga oras na iyon.
Ayon sa sagot ni Sterling na nakakuha ng kopya ang The Associated Press, sinabi niyang patagong nag-record ang kanyang kasintahang si V. Stiviano kaya ang recording ay illegal sa ilalim ng California law. Sinabi niyang hindi niya sinasadyang sirain ang liga dahil hindi naman niya alam na lalabas ito sa publiko.
“A jealous rant to a lover never intended to be published cannot offend the NBA rules,’’ sabi ni Sterling sa dokumento.
Samantala, kinumpirma ng abogado ni Shelly Sterling na binigyan siya ni Donald Sterling ng written permission na ibenta ang team.
- Latest