PLDT spikers nakabawi

MANILA, Philippines - Sinandalan ng PLDT Home TVolution Power Attackers ang kanilang mga kamador para makuha ang unang panalo sa 25-22, 25-22, 19-25, 25-23, sa Cagayan Valley Lady Rising Suns sa 2014 PLDT Home DSL-Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ang team captain na si Sue Roces ay naghatid ng 21 puntos, kasama ang 17 attacks at tatlong blocks, pero nakuha niya ang suporta ng mga kakamping sina Rysabelle Devanadera at Maruja Banaticla sa naitalang 15 at 12 puntos.

Ito ang unang panalo ng tropa ni coach Roger Gorayeb para okupahan ang ikatlong puwesto sa ligang inorganisa ng Score at handog ng PLDT Home DSL at may suporta pa ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.

Tumapos ang PLDT taglay ang 34 errors pero binawi nila ito sa matibay na depensa at pagpanalo sa mga krusyal na puntos sa labanan.

Si Devanadera ay bumutata ng lima  at naghatid pa siya ng tatlong service aces upang ibigay sa PLDT ang 7-0 bentahe sa departamento.

Nalaglag ang Lady Rising Suns sa 0-2 karta at nasayang ang ginawang 17 at 14 puntos nina Aiza Maizo-Pontillas at Janine Marciano.

“Magandang panalo. Pero kulang pa sa stamina. Sa ligang ito, mahalaga ang magandang kondisyon para manalo,” wika ni PLDT coach Roger Gorayeb.

Sa ikatlong set buma-ba ang lebel ng PLDT para makaisa ang Caga-yan at sa fourth set ay tila handa pa ang Lady Rising Suns na maitabla ang laro matapos ang 23-all.

 

Show comments