MANILA, Philippines - Ang Senate bill na magbibigay ng Filipino citizenship kay Brooklyn Nets center Andray Blatche sa pamamagitan ng naturalization ay inaasahang ipapasa nga-yong hapon sa third reading ngunit kritikal ang makaabot sa May 30 deadline na kailangang habulin ng SBP para isumite ang passport number para makalaro ito sa nalalapit na Asian Games dahil kailangan pang aprobahan ito ni PangulongAquino.
Ang House of Representatives bill na akda ni Rep. Robbie Puno ay ipinasa sa third reading noong March bago umakyat sa Senate para talakayin sa Committee on Justice level at dumaan sa first, second at third reading sa Senate Hall. Ang Senate bill ay inisponsoran ni Sen. Sonny Angara.
Kapag inaprobahan sa Senado ang bill ngayon, ipapadala ito sa Malacañang.
Ayon sa batas, kung pipirmahan ito ng Pangulong Aquino, agad itong magiging batas ngunit kung hindi ito aaktuhan ng Presidente, magiging ganap na batas ito makalipas ang 30-araw.
Ang koordinasyon sa Bureau of Immigration, Department of Justice at Department of Foreign Affairs ay krusyal sa pagkuha ng Philippine passport ni Blatche without ng mabilisan.
Bumisita kamakailan si Blatche, 27-gulang sa Philippine consulate sa New York City para pu-mirma ng sworn affidavit expressing kung saan isinasaad ang kanyang commitment na maglaro para sa Gilas national squad.