Provodnikov puwede kay Pacquiao
MANILA, Philippines - Kung tuluyan nang hinÂdi papayag si Juan MaÂnuel Marquez na labanan si Manny Pacquiao sa pang-limang pagkakataon ay handa si Ruslan ProÂvodÂnikov na kunin ang oporÂÂtunidad.
Ito ang sinabi ni VaÂdim Kornilov, ang manager ni ProÂvodnikov na nakatakdang itaya ang kanyang suÂot na World Boxing Organization (WBO) light welterweight crown laban kay Chris Algieri sa HunÂyo 14.
“Yes, I think we are getÂting closer and closer to making this fight happen,†wika ni Kornilov sa posibleng maitakdang Pacquiao-Provodnikov chamÂpionship fight.
Sina Pacquiao at Provodnikov ay nagsasanay sa ilalim ni chief trainer Freddie Roach.
“I am looking forward to a big fight in the fall,†wiÂka ng 29-anyos na si ProÂvodnikov, na naging sparÂmate ni Pacquiao sa pagÂhahanda sa kanilang unang laban ni Timothy BradÂley, Jr. noong 2012.
Binawi ni Pacquiao ang WBO welterweight crown matapos bawian si Bradley sa kanilang reÂmatch noong Abril, habang tinalo ni Marquez si Mike Alvarado noong MaÂyo 18 sa kanilang title eliminator.
Ayon sa 40-anyos na si Marquez, pangarap niÂyang maging kauna-unaÂhang Mexican fighter na nagÂkampeon sa limang magÂkakaibang weight diÂviÂsions.
Ngunit sinabi ng kanyang trainer na si Ignacio ‘Nacho’ Beristain na hindi niya papayagang matuloy ang Pacquiao-Marquez V.
Itinakda ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang susunod na laban ni Pacquiao sa Nobyembre sa Macau, China.
Maaari ding kumuha ng kalaban si Arum sa GolÂden Boy Promotions ni Oscar Dela Hoya.
“We will see which of these welterweights have been fighting for Golden Boy or on the contract to Golden Boy that Oscar can produce,†sabi ni Arum kaugnay sa kanyang opsyon.
- Latest