MANILA, Philippines - Muling magbabalik ang isa na namang blockbus-ter boxing event sa Flash Grandballroom ng Elorde Sports Center sa Sucat Road, Parañaque sa paglalatag ng Johnny Elorde Management International, sa pakikipagtulungan sa Rotary Club of Manila 101, ng double main event card simula ngayong alas-6 ng gabi.
Lalabanan ni Philippine No. 4 light flyweight contender Rene Patillano mula sa Johnny Elorde stable si Ricky Oyan ng Tanza, Cavite.
Tatangkain ni Patillano, isa sa mga mahuhuhusay na boksingero ng mga Elorde, na makalapit sa Philippine crown at makabalik sa international ratings.
Noong nakaraang taon ay lumaban siya para sa Pan Asia Boxing Association title ngunit natalo kay Randy Petalcorin.
Sa co-main event, sasagupain naman ni undefeated Giemel Magramo, anak ni dating Orient champion Melvin Magramo, si Pit Anacaya sa ten round bout.
Susuporta sa main event si Jay Loto laban kay Lester Abutan at si Diomel Diocos kontra kay Rey Medez sa 8 round bouts.