MANILA, Philippines - Lalarga bukas ang klasikong half-court playground basketball sa pagdaraos ng 2014 Talk ‘N Text-SBP U18 3x3 Tatluhan Finals sa Pearl Sports Complex sa HarriÂson Plaza, Manila.
Kabuuang 20 four-man teams na nagmula sa buong bansa ang makikita sa aksyon matapos ang pang alas-11 ng umagang opening ceremony.
Ang maghahari sa torÂneo ang kakatawan sa banÂsa para sa 3x3 FIBA World Tour-Asia Pacific Leg na nakatakda sa Hul-yo 19-20 sa Fashion Hall ng SM Megamall.
Ang mangungunang daÂlawang koponan ng naÂtuÂrang torneo ang makaÂkaÂpaglaro sa 3x3 FIBA World Championship sa Tokyo sa Oktubre.
Ang mga nakapasok sa finals matapos ang mga regional qualifying tourÂÂnaments ay ang St. Louis-LHS-B mula sa BaÂguio City, Team Wowie (Cauayan, Isabela), Team DDDV-B (Dagupan), UA-3 (Pampanga/Olongapo City), Team USA College (Iloilo), Team Faith (TaÂnauan, Batangas), SHS AteÂneo 1 (Cebu), Team TiÂtans (Naga City), Team ManÂdarayo Boys (Lucena, Quezon), Golden City (Sta. Rosa, Laguna), Cenn Taynan (Kidapawan, Cota-bato), Red Rooster (Zamboanga City), Holy Cross Crusaders (Davao City), BaÂrangay Gusa (Cagayan de Oro), Team Davies A (BaÂcolod City), AMA 2 (NaÂtional Capital Region-Central), Barangay Signal D (NCR-South), San Juan 1 (NCR-PNG), Caloocan Team (NCR-North) at Aroro Team (Ormoc).
“We in SBP are proud to launch our centerpiece grassroots development program,†sabi ni SBP executive director Sonny BarÂrios. “It supports not onÂly the development of the game all over the counÂtry but also focuses on our youth, including those out of school.â€
Binubuo ng mga players na may edad 18-anyos pababa, ang mga finalists ay hahatiin sa apat na grupo at maglalaro ng single round elimination.
Ang top two teams muÂla sa bawat grupo ang paÂpasok sa Last 8 para sa crossover matches.
Ang mga mananalo sa Last 8 ang aabante sa seÂmifinals patungo sa finals na may nakalaang premÂyong P35,000.
Ang runnerup ay tatanggap naman ng P20,000, haÂbang ang third place ay biÂbigyan ng P15,000 at ang fourth place ay mag-uuwi ng P10,000. Bilang dagdag na insentibo, ang Talk ‘N Text ay magbibigay ng P5,000 sa mga koponang papasok sa Last 8.