Global Port nakabawi

MANILA, Philippines - Matapos maisuko ang itinayong 17-point lead sa third period ay nakabalik sa kanilang porma ang Batang Pier para kunin ang kanilang unang pana­lo.

Nagtuwang sina balik-import Leroy Hickerson, Jay Washington, Jewel Pon­ferada at rookie Terrence Romeo sa fourth quar­ter para ihatid ang Glo­balport sa 95-91 panalo laban sa Alaska sa 2014 PBA Governors’ Cup ka­gabi sa Smart Araneta Co­liseum.

Tumapos si Hickerson na may 25 points kasunod ang 24 ni Cabagnot, ang 16 dito ay kanyang iniskor sa first half.

Mula sa 24-22 abante sa Aces sa first period ay pi­nalaki ng Batang Pier ang kanilang kalamangan sa 14 points, 48-34, sa half­time.

Inilista ng Globalport ang pinakamalaki nilang ben­tahe sa 17 points, 53-36, sa 9:51 ng third period bago nakadikit ang Alas­ka sa 60-61 sa huling 1:46 nito.

Muling nakalayo ang Batang Pier sa 89-78 sa 2:01 ng final canto hanggang makalapit ang Aces sa 91-94 sa natitirang 11.8 se­gundo. (RCadayona)

GLOBALPORT 95 - Hickerson 25, Cabagnot 24, Romeo 18, Washington 13, Garcia 8, Ponferada 4, Macapagal 2, Matias 1, Taha 0, Menk 0, Hayes 0, Salvador 0.

Alaska 91 - Walker 22, Casio 16, Espinas 14, Abueva 14, Baguio 8, Jazul 6, Hontiveros 5, Manuel 4, Thoss 2.

Quarterscores: 24-22; 48-34; 66-62; 95-91.

Show comments