MANILA, Philippines - Kumpiyansa si national coach Chot Reyes na aabot si Brooklyn Nets Center Andray Blatche sa deadline ng pagsusumite ng line-up para sa Asian Games sa Incheon sa Sept. 19-Oct. 4.
Umaasa si Reyes na matatapos ang naturalization bilang Pinoy ni Blatche para makakuha ng Philippine passport upang maisama ang kanyang pangalan sa line-up na kanyang isusumite bago sumapit ang May 30 deadline.
Kamakalawa, inapru-bahan ng Senado ang Bill No. 4084 na nagbigay ng citizenship kay Blatche by naturalization sa se-cond reading kung saan tumangging magbigay ng suporta si Sen. Jinggoy Estrada sa bill na sponsored ni Sen. Sonny Angara. Nakalista ang bill para sa third reading sa Lunes bilang formality.
Ang proseso ng naturalization sa pamamagitan ng lehislatura ay nagsi-mula sa House of Representatives kung saan ang bill ay akda ni Rep. Robbie Puno. Ang consolidated bill ay ipapadala sa Malacañang para sa final approval ni Pangulong Aquino kapag clear na ito sa Senate sa third reading.
Ipinagpaliban ng Senate ang diskusyon sa bill sa second reading ng dalawang beses noong nakaraang dalawang linggo dahil sa kahilingan ni Sen. Estrada, dati nang tagasuporta ng Philippine basketball, na makakita ng assurance mula sa panig ni Blatche na seryoso itong maglaro para sa Philippines para walang maging problema sa pagbibigay sa kanya ng citizenship.
Nakipagkita sina Reyes at team manager Aboy Castro kay Sen. Estrada para magsumite ng sworn affidavit ni Blatche na nagsasaad ng kanyang commitment na maglaro para sa Pinas. Nagkumpirma si Blatche na magsisilbi sa Pinas hanggang 2016 o hanggang sa Rio de Janeiro Olympics.
Isasama din siya sa FIBA World Cup sa Spain sa Aug. 30-Sept. 14 at Asian Games sa Incheon. Ang commitment ni Blatche ay nangangahulugan ding tinatalikdan na niya ang paglalaro para sa iba pang bansa kabilang ang US sa lahat ng FIBA tournaments.