MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng Kid Molave ang pagiging paborito sa hanay ng siyam na kabayong naglabanan sa 1st Leg ng 2014 Philracom Triple Crown Championship nang dominahin ang karera kahapon na ginawa sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.
Nakabawi agad ang kabayong pag-aari ni Manny Santos at sinakyan ni John Alvin Guce sa banggaan na nangyari sa pagbukas ng aparato sa kabayong Kanlaon dahilan upang malagay ito sa pangatlo sa bugaw.
Pero naikabig agad ni Guce ang tatlong taong colt bago hinintay na bumalik ang nasirang kondisyon.
“Ramdam, ko na ayaw umere agad kaya binigyan ko konti ng pressure saka unti-unting umangat. Sa tres octavo binigay na ng kabayo ang takbo niya,†wika ni Guce sa naipakita ng kabayo.
Sa far turn ay kasama na ang Kid Molave ng Low Profile, Tap Dance at ang naunang nagdala ng bandera na Matang Tubig.
Hindi na nagpaawat pa ang 2013 Philracom Juvenile champion at mula sa labas ay umarangkada na ito.
Nagtangkang habulin ng nag-init na Dixie Gold ni Fernando Raquel Jr. and Kid Molave pero huli na ang pag-aalsa nito dahil kinapos ito ng isang kabayo.
Kinuha ng kabayong anak ng Into Mischief at Unsaid ang pinaglabanang 1,600-metro distansya sa matikas na 1:36.6 gamit ang kuwartos na 24’, 22’, 23 at 26’.
Halagang P1.8 milyon mula sa P3 milyon ang naibulsa ng may-ari na si Santos at nadagdagan pa ito ng P100,000.00 dahil siya rin ang breeder
ng kabayo.
Ito rin ang ikalawang kabayong gaÂling kay Santos na nanalo sa unang leg ng Triple Crown dahil pag-aari niya ang Hari Ng Yambo na kampeon noong
2011 sa nasabing yugto.
“Nakikita ko na may iaasenso pa ang kabayo,†wika ni Santos na tila pinahahagingan ang kakayahan ng Kid Molave na palawigin ang dominasyon
sa second leg na gagawin sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite sa Hunyo 15 sa mas mahabang 1,800-metro distansya.
Pakonsuelo ng Dixie Gold ay ang P675,000.00 habang ang Kanlaon na ginabayan ni Jonathan Hernandez ang pumangatlo para sa P375,000.00
premyo at ang Tap Dance ni Jessie Guce ang pumang-apat para sa P150,000.00.
Ang Low Profile ni Mark Alvarez ay naubos at tumawid sa ikaanim na puwesto kasunod ng Winter’s Tale ni CB Tamano.
Nagkahalaga ang win ng P9.50 habang ang forecast na 7-8 ay may P73.50 na ipinamahagi.