LOS ANGELES, CA - Sumulat ang abogado ni Donald Sterling sa NBA na nagsasabing hindi babayaran ng team owner ng Los Angeles Clippers ang multang $2.5 milyon ng liga dahil sa kanyang racist comments.
Unang iniulat ng Sports Illustrated ang sulat mula kay Maxwell Blecher.
Ang nilalaman ng naturang liham ay kinumpirma ng isang tao sa The Associated Press.
Inamin ni Blecher, isang prominenteng antitrust attorney, ang pagpapadala niya ng sulat sa NBA.
Pinatawan ni NBA Commissioner Adam Silver si Sterling ng lifetime ban bukod pa sa $2.5 milyong multa dahil sa pagiging racist nito sa isang voice recording na kumalat.
Hinikayat din ni Silver ang iba pang team owners na sibakin si Sterling mula sa NBA na mangangaila-ngan ng three-fourths vote mula sa 29 pang controlling owners.
“We regard the dispute between Sterling and the NBA to be a private matter,’’ sabi ni Blecher. “We do not intend to have a trial in the press.’’