MANILA, Philippines - Laro ng beterano ang naipakita ng FEU Lady Tamaraws para ipatikim sa nagdedepensang kampeong National University Lady Bulldogs ang 26-24, 26-24, 25-22, straight sets win sa pagsisimula ng Shakey’s V-League Season 11 First Conference Finals kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Nasa unang pagkakataon na tumungtong sa championship round sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s, hindi nawala ang kumpiyansa ng Lady Tamaraws kahit maagang umarangkada ang Lady Bulldogs nang mapanalunan ang mga ‘championship points’ para kunin ang mahalagang 1-0 kalama-ngan sa best-of-three series.
Si Rachelle Ann Daquis ay may 19 puntos sa 11 kills, 5 aces at 3 blocks habang ang batang si Bernadette Pons ay may 14 puntos, kasama ang na-ngungunang 13 kills.
Ang dalawang magkasunod na pag-atake ang nagbangon sa Lady Tamaraws mula sa 2-9 panimula sa ikatlong set at ipalasap sa tinitingala sa liga na Lady Bulldogs ang kanilang unang straight sets na pagkatalo sa conference.
May 17 digs si Jovelyn Gonzaga para itambal sa kanyang siyam na puntos habang si Genevieve Casugod ay may anim na puntos, ang dalawa rito ay ginawa niya para tapusin ang aksyon sa unang dalawang sets para sa 2-0 kalamangan.
Ang kinilala bilang MVP at Best Server ng ligang may ayuda ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil na si Dindin Santiago at Carmin Aganon ay tumapos taglay ang 13 at 11 puntos.
Pero tahimik sina Jaja Santiago at Myla Pablo para malagay ngayon sa alanganin ang pagha-hangad ng NU na ma-panatili ang titulo.
Nanalo ang Adamson Lady Falcons sa UST Lady Tigresses, 25-17, 25-23, 18-25, 25-19 sa unang laro para lumapit sa isang panalo tungo sa ikatlong puwesto.
Ang Game Two sa6 Finals at battle-for-third place ay sa Mayo 25.