MANILA, Philippines - Hindi man sila magkakasama ay hindi mangaÂngaÂhulugan ito na hindi na nila kabisado ang galaw ng bawat isa.
May 14 puntos si Stephanie Mercado, habang ang team captain na si Cha Cruz ay naghatig ng 10 puntos, kaÂsama ang dalawang aces, para tulungan ang expansion team na Air Asia Flying Spikers sa 26-14, 25-19, 27-25 panalo sa Cagayan Valley Lady Rising Suns 2014 PLDT Home DSL-Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference women’s division noong Biyernes ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Ang dating two-time UAAP MVP at No. 2 pick sa draft na si Aby Maraño ay gumawa ng limang puntos sa unang laro sa ligang inorganisa ng Score at handog ng PLDT Home DSL at may ayuda ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.
Sina Mercado, anak ng dating Asia’s sprint queen na si Lydia de Vega-Mercado, Cruz at Maraño ay mga manlalaro ng La Salle Lady Spikers sa UAAP na hawak ni coach Ramil De Jesus.
Isa sa mga kinuha ng koponang pag-aari ni sports patron Mikee Romero ay si center spiker Arriana Angustia mula Emilio Aguinaldo College at naghatid siÂya ng tatlong blocks patungo sa anim na puntos.
Nanguna naman sa Lady Rising Suns ang third pick sa draft na si Janine Marciano na dating naglaro sa San Beda mula sa kanyang 12 puntos, habang sina Angeli Tabaquero at Aiza Maizo-Pontillas ay nagbigay ng 11 at 10 puntos.