Marquez gustong talunin si Alvarado para muling makalaban si Pacquiao
MANILA, Philippines - Ang pagkakataong makalapit sa inaasam niyang pag-ukit ng kasaysaÂyan sa Mexican boxing.
Ito ang nasa isip ni Juan Manuel Marquez sa pagharap kay Mike AlÂvarado para sa isang title eliminator ngayon sa The FoÂrum sa Inglewood, CaÂlifornia.
Ang mananalo sa paÂgitan nina Marquez (55-7-1, 40 KOs) at AlvaÂrado (34-2-0, 23 KOs) ang hahamon kay world eight-division champion Manny Pacquiao (56-5-2, 38 KOs) para sa hawak niÂtong World Boxing Organization (WBO) welterweight title.
“That is what I am looking forward to towards the end of my caÂreer, to win that next world title. That’s what makes us keep going,†wiÂka ni Marquez.
Wala pang Mexican boÂxer na nagkampeon sa liÂmang magkakaibang weight divisions na kahit sina Erik Morales at MarÂco Antonio Barrera ay naÂbigong makamit.
“I want to make hisÂtoÂry by winning another world title,†sabi ng 40-anyos na si Marquez.
Sakaling manalo si MarÂquez kay Alvarado ay mapaplantsa ang kanilang pang-limang banggaan ng 35-anyos na si Pacquiao.
Pinabagsak ni Marquez si Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na pagkikita noong DisÂyembre 8, 2012.
Sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na puÂmayag na si PacÂquiao na labanan ang maÂnaÂnalo kina Marquez at AlÂvarado.
“If I hear that the winner will be interested in fighting Manny in the fall, and Manny has agreed to fight the winner, I would say that once we got the terms straightened out it would be a done deal,†wiÂka ni Arum.
Nauna nang inayawan ni Marquez ang panukalang labanan niya si Pacquiao.
Ngunit pumayag na rin siya para sa posibleng Marquez-Pacquiao V.
- Latest